sa puso at isip
Sunday, March 30, 2008
Naisip ko lang, bakit nga ba hindi. Simula ng ako'y matututong magsulat and nag-umpisang humabi ng mga kataga, Tagalog ang aking ginamit. Natututo lang akong mag-ingles nang mag-aral at bigyang pansin ang naturang wika.
Marahil, nabighani lang ako kasi kakaiba.
Marahil, masarap pakinggan kasi naiiba.
Marahil, magandang sabihin kasi ako'y maiiba.
Marahil, naengganyo kasi gusto kong maging iba.
Kaya nga... nang mamulat ako sa katotohanan na ang puso ko ay sa pagsusulat. Ingles ang aking unang binanatan. Natatago ko ang mga pangunahin kong mga ginawa pero sa katagalan nawala na rin. Ang naaaalala ko lang "trying hard" ako sa pag-iingles. Kahit mali-mali ang "grammar"... hala, sige, dale pa rin. Gustong maging kakaiba eh.
Ngayong nandito ako sa lupang sinilangan ng wikang ingles, kakaiba pa rin ako.
Kahit alam kong salitain o naiintindihan ang wikang aking dating niyakap kakaiba pa rin ang pakiramdam ko.
Sa kabila na marami na rin akong nasulat gamit ang salitang ito, iba pa rin ang hinahanap ko.
Kaya ngayon, bago na ito. Dito sa bagong "blog site" na ito. Tagalog naman ang gagawin ko. Ito ang magiging lugar na pupuntahan ko kung gusto kong tumakas sa reyalidad ng buhay.
Malay natin, baka dito ako makaramdam na di na ako kakaiba.
















1 KULO ng Tiyan:
Ang pagmemeron ng blog na ito ay isang kakaibang karagdagan sa kultura ng pinoy blogging.
Post a Comment