makulimlim ang langit
Friday, April 25, 2008
Sikat na ang araw. Pero makulimlim ang langit.
Makulimlim ang langit sa kabila ng liwanag ng araw.
Makulimlim ang langit sa kabila ng pangako ng umaga.
Makulimlim ang langit sa kabila ng pag-asang dala ng kahapon.
Di waring uulan. Pero madilim ang langit.
Madilim ito bagama't walang pagbabanta na bubuhos ang ulan.
Madilim ito bagama't sa wari ko'y ang panahon ay banayad.
Madilim ito bagama't ang mga ibon ay lumilipad sa himpapawid.
Bahagyang umiihip ang hangin. Pero medyo maitim ang langit.
Maitim ito marahil dahil sa pulyusyong dala ng sibilisasyon
Maitim ito marahil dahil sa paglapastangan ng mga tao sa paligid.
Maitim ito marahil dahil sa walang pakundangang pag-abuso sa kalikasan.
Ngayon puso ko ay nagdurugo. Pero bukas, liliwanag ang langit.
Liliwanag ang langit dahil may pag-asa sa puso ng tao.
Liliwanag ang langit dahil sa biyayang ibubuhos ng Maykapal.
Liliwanag ang langit dahil ang buhay ay patuloy na dadaloy.




















2 KULO ng Tiyan:
Oo. makulimlim ang langit. ang lagket. ang inet. alas otso palang ng umaga, para na akong alas otso ng gabe. kamusta naman diba? hehehe.
Musta ruthie?
Sorry now lang ako nakasagot. Okay naman ako sa kabila ng lahat. Nakunan kasi ako pero ok na ako. Hope ok ka din. Thanks.
Post a Comment