takbo... bilis... takbo

Wednesday, May 7, 2008

Mahigit ng isang linggo akong tumatakbo... jogging ba. Wala lang. Naisipan ko lang kasi "tag-sibol" na. Tapos na ang "pag-niniyebe". Di na masyadong maginaw ang paligid at di na ako kinakalig-kig.

Tag-sibol na at pagkatapos nito ay ang "tag-init". Tumatakbo ako para mabawasan ng konti ang akong timbang. Problema ko talaga ito sumula't sapol. Ano ba ang magagawa ko eh ang sarap kayang kumain. Lalo noong "tag-yelo", ay sus, ang mainit na tsokolateng may mumunting "marshmallows" ba naman ang lagi kong iniinom para maibsan ang ginaw. Saan ka pa? May kokontra pa ba sa sarap ng "brownies" na laging kong hinuhurno?

O, ngayon, tapos na ang masasarap na pagkain at "alibi" ko sa pagkain. Magbanat naman ng buto, para pagdating ng "tag-init" maisuot ko na ang makikipot at maiigsi kong palda ng makita naman ang makinis kong hita at ang mga walang manggas kong blusa ng masilayan naman ang makinis kong braso.

Kaya eto, nagpapawis, tumatakbo, nagpapakapagod para maging karapad-dapat. Nabawasan na ako ng sampung libra, sampu pa at okay na.

3 KULO ng Tiyan:

Toilet Thoughts May 9, 2008 at 11:03 AM  

Naks. Nageexercise. Tapos iinom ng Swissmiss plus marshmallows. hehe.

Ako din ganyan. pero bakit ikaw nababawasan ng 10 libra ako nadadagdagan pa. Baka napapasobra ako ng lagay ng marshmallows. Eh sugar free daw un. hehe.

Ruthi May 15, 2008 at 11:29 AM  

Well, springtime na dito sa amin kaya di na ako umiinom ng tsokolateng may marshmallows. Tomato juice at craberry juice na kaya laging sa "toilet" ang tuloy ko. Subukan mo un Kuya (kuya daw oh) at baka sakaling mabawasan ang timbang mo. Thanks for the comment.

shopping blog September 6, 2010 at 10:38 PM  

These contact reduces of pandora jewerly diamonds includes; emerald cut diamond, marquise pandora bead cut and little princess minimize. These kind discount pandora of bright reduces for diamonds help pandora sale make those on the first class.One doesn't style, perfect discount pandora beads shine and charm.Women prefer usually jewelry coupled with cheap pandora beads introduced about wedding certainly new pandora beads they wish to have just this contact awkward pandora set most people believe that pandora sets there's basically no evaluation involving cheap pandora sets diamonds after all.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP