may PR ako

Saturday, July 26, 2008

Yipeeee!!! May PR ako. Akalain mo, sa dinami-dami ng blogs ko, eto pang kaisa-isa kong tagalog blog ang nagkaroon ng PR. Galing ng Pinoy!

Ewan ko ba. Baka naman dahil di nila naiintindihan ang mga nakasulat dito. Baka kaya dahil masasarap tingnan ang mga litrato dito. O baka, nagkamali lang sila dito. Pero sa puntong yan... WALANG BAWIAN!

Basta masaya ako kasi may PR ako. Basta masaya ako kasi kahit papano napansin ang blog ko. Basta masayang-masaya ako.

May PR ako... sayang lang di ko mapagkakakitaan ito kasi tagalog lang. May PR ako... sana ung iba din blogs ko magkaroon lalo na yong pinagkakakitaan ko. May PR ako... at gusto kong pasalamatan ang board of judges sa aking award. (Pasensya po... nadala ako... akala ko FAMAS)

5 KULO ng Tiyan:

nice July 28, 2008 at 1:14 AM  

you're full of humor mare..nakakatuwa ka talaga...pwedi karing sumulat ng funny books...nyways,y man di pwedi pagkakitaan ano?sayang may pR pa naman

Ruthi July 28, 2008 at 12:49 PM  

kasi mare... tagalog... sa PPP english lang ang tinatanggap kaya di puedeng pagkakitaan... sayang ano.

Vincent Bautista July 29, 2008 at 2:47 PM  

Elow! Congratulations sa PR! ^_^ Dapat gumawa ako nang blog in tagalog para magka-PR din hehehe.

Yups may tsaa kami sa Tim Hortons. Meron kaming different kinds of tsaa may orange pekoe, honeylemon, english breakfast, chai, green tea, peppermint... para akong nag-aadvertise hehehe. ^_^

betchai July 31, 2008 at 1:41 PM  

congratulations ruthi, at may PR ka na. hehehe, hwag kang magait ha? ano ba yung PR? alam ko lag, award sya para sa mga magagaling na bloggers.

shopping blog September 6, 2010 at 10:42 PM  

These contact reduces of pandora jewerly diamonds includes; emerald cut diamond, marquise pandora bead cut and little princess minimize. These kind discount pandora of bright reduces for diamonds help pandora sale make those on the first class.One doesn't style, perfect discount pandora beads shine and charm.Women prefer usually jewelry coupled with cheap pandora beads introduced about wedding certainly new pandora beads they wish to have just this contact awkward pandora set most people believe that pandora sets there's basically no evaluation involving cheap pandora sets diamonds after all.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP