nais nyo bang maging KABIT?

Thursday, July 31, 2008

Eto ang siste. Ang tagal ko nang hinihikayat ang bunso kong kapatid na gumawa ng sariling blog dahil alam kong marunong naman siyang magsulat at maraming siyang maaaring ibahagi sa mundo ng blogging. Pero palibhasa'y abala sa gimikan, trabaho at higit sa lahat talaga namang may katamaran ding taglay... puro palusot ang maririnig mo.

Eto ang milagro. Sa wakas nahikayat ko rin siyang gumawa ng blog. Laking tuwa ko dahil kahit papano eh sumunod din si Bunso kay Ate. Gumawa ng isa. At parang batang nakatikim ng bago... aba eh, kinabukasan ay gumawa na naman ng isang pang blog. Samakatwid, 2 na ang blog niya. At masaya na sana ako pero...

Eto ang problema. Palibhasa eh abala nga sa maraming bagay at medyo hindi rin siya gaanong marunong sa computer, ako ngayon ang gumawa ng lahat mula sa lay-outing, designing ng header, at iba't-ibang kolorete sa websites niya. Sa madaling salita ako ang babysitter ng blog niya at ang ginagawa lang niya ay magsulat at ako pa rin ang mag-edit at mag lagay ng mga images don.

Eto ngayon ang tanong. Gusto nyo bang madagdagan ang inyong links? Nais nyo bang madagdagan ang inyong traffic? Kayo ba ay naghahanap ng iba pang blog para i-promote ang inyong blog? Naghahanap ba kayo ng mas maraming kaibigang bloggers? NAIS NYO BANG MAGING KABIT? Pwes... eto na ang pagkakataon ninyo... hulong at makikabit na kayo sa blog ng Utol ko... bagong-bago... batang-bata... mabangong-mabango pa... at wala pang masyadong kumakabit. Hala, mag-iwan lang kayo ng mensahe sa kahon at malugod ko kayong ikakabit sa blog ng Utol ko.

ang QUEUE-less

ang sleep-deprived... caffeine-fueled LIFE


PAUNAWA! "Offer is good while supply last". (JOKE!)

3 KULO ng Tiyan:

betchai July 31, 2008 at 1:39 PM  

ruthi, grabe yung tawa ko. kasi ang lakas nang sense of humor mo. galing mo talaga, may oras ka pag mag-baby sit nang blog :).

syanga pala, tsaka, takam na takam ako sa pagka-in sa ta-as nang blog. parang gusto ko na tuloy umalis ngayon din at pupunta sa filipino store at kainan dito.

James November 27, 2009 at 12:20 PM  

Hehehe! Nakakatuwa pala itong kapatid mo? Padalhan mo na kasi ng Laptop. BWahehehe!

Napadaan lang po ulit. :D Tulad ng dati, dumadaan kapag kumakalam ang isip.

shopping blog September 6, 2010 at 10:46 PM  

These contact reduces of pandora jewerly diamonds includes; emerald cut diamond, marquise pandora bead cut and little princess minimize. These kind discount pandora of bright reduces for diamonds help pandora sale make those on the first class.One doesn't style, perfect discount pandora beads shine and charm.Women prefer usually jewelry coupled with cheap pandora beads introduced about wedding certainly new pandora beads they wish to have just this contact awkward pandora set most people believe that pandora sets there's basically no evaluation involving cheap pandora sets diamonds after all.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP