lababong barado
Monday, September 1, 2008
Lunes... unang araw ng Setyembre... umagang-umaga... di pa ako nakakapag-almusal. Sikat na ang araw at tila maganda ang panahon. Pero sa kabila ng magandang araw na ito... pag mamalasin ka nga naman... ang lababo... ang kawawang lababo... barado.Dahil sa baradong lababo... ang tubig ay tumagas sa cellar. Sa cellar na kung saan nakatambak lahat ng mga abubot. San damakmak na abubot na basang-basa dahil sa tubo na tumatagas.
Kaya ang magandang araw sa kabila ng maaliwalas na langit ay nagdilim at tila nagbago ang panahon dahil sa baradong lababo. Dahil sa baradong lababo maghapon ang bubunuin para linisin at ligpitin ang naiwang kalat at dumi ng lababong barado.
















0 KULO ng Tiyan:
Post a Comment