Eleksyon: Anong pagkakaiba?

Friday, October 17, 2008

Wala rin palang ipinagkaiba ang takbo ng eleksyon dito sa America at sa Pilipinas. Pareho lang pala na may mga Kandidato. hahahaha. Syempre... eleksyon eh... kaya dapat lang na may Kandidato, diba?

Walang pinagkaiba ang eleksyon dito sa America at sa Pilipinas. Pareho lang din na siraan ang maririnig mo sa parehong partido. Kanya-kanyang hanapan ng butas sa isa't-isa. Kanya-kanyang palabasan ng mga baho ng isa't-isa. At kanya-kanyang panlilibak sa isa't-isa.

Wala talagang pinagkaiba ang eleksyon dito sa America at sa Pilipinas. Pareho lang na magagaling silang magbuhat ng sari-sariling bangko. Eh saan ka pa... syempre kanya-kanyang buhat ng kanya-kanyang bangko. Papayag ka bang buhatin ng iba ang bangko mo? Syempre hindi kasi baka ihataw ang bangko mo sa pader eh di masisira kaya bangko mo... buhat mo. Yan ang magandang "slogan" para sa mga tunay na Kandidato.

Walang pagkakaiba ang eleksyon dito sa America at sa Pilipinas. Lahat ng Kandidato maraming plano para sa bayan. Lahat ng Kandidato may malasakit sa bayan. Lahat ng Kandidato magsasakripisyo para sa bayan. Lahat ng Kandidato tutulong sa bayan. At lahat ng Kandidato ginagastos ang pera ng bayan.

Wala ngang pinagkaiba ang eleksyon dito sa America at sa Pilipinas. At kahit siguro saan pang lupalop ng mundo ako mapadpad wala rin pinagkaiba and eleksyon don. Sana ang eleksyon simple na lang... daanin na lang sa taasan ng kamay... para walang daya. Ano sa tingin mo?

6 KULO ng Tiyan:

piebuko October 28, 2008 at 2:25 PM  

hi ruth! I'm going to follow this blog. Anyway, I agree to some degree. But having had served as a paralegal during the 2004 election, I doubt if America's politics and election process can be as dirty as the Philippines

piebuko October 28, 2008 at 2:29 PM  

by the way, nakakagutom po ang pictures! pinoy na pinoy!

Ruthi October 29, 2008 at 8:41 AM  

HI Pie... salamat sa pagbisita. Di ko masabi kung madumi rin ang pulitika dito dahil bago pa lang ako dito. In terms of campaigning masasabi ko personalan din gaya sa atin... kanya-kanyang siraan din. Pero di ko talaga alam kung may dayaan at kung pano nila magagawa un since computerized ang botohan at actually puede ka nga ring bumuto kahit di pa election. Di mo na kailangang hintayin ang election para makaboto ka.

Salamat sa pag sunod mo sa blog ko. Ako nga rin nagugutom... miss ko kasi yan kaya pag namimiss ko ang atin punta lang ako dito. hahahaha

RoSeLLe October 29, 2008 at 3:57 PM  

hallow ruthi! maraming salamat sa pagdaan mo sa blog ko :D

Philippine Senatorial Candidate 2010 February 8, 2010 at 8:17 PM  

Well, I'm just hope for a clean and safe election this 2010. And who ever wins as the race for presidency, I wish he/she can change our country from its current state. Anyway, I've been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.

-pia-

shopping blog September 6, 2010 at 10:42 PM  

These contact reduces of pandora jewerly diamonds includes; emerald cut diamond, marquise pandora bead cut and little princess minimize. These kind discount pandora of bright reduces for diamonds help pandora sale make those on the first class.One doesn't style, perfect discount pandora beads shine and charm.Women prefer usually jewelry coupled with cheap pandora beads introduced about wedding certainly new pandora beads they wish to have just this contact awkward pandora set most people believe that pandora sets there's basically no evaluation involving cheap pandora sets diamonds after all.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP