Nakakamiss si Pogi
Wednesday, November 19, 2008
Hayyy... buhay! Buti pa sa 'pinas pag tambak na ang labada ko di ako aburido. Kumpas lang ng magic wand ko ayos na ang labada. Ang ibig kong sabihin, tatawag lang ako ng labandera, di ko na problema pati plansta.
Hayyy... buhay! Ang bahay kahit di ko linisin okay lang din. May darating para maglinis. Minsan puede rin ang mga estudyante kong babaksakin ang maglinis. Pabor sa kanila yon dahil special project yun kay Ma'am para di mahulog at pumasa sa subject. Pero wag namang isiping sinamantala ko ang kapangyarihan ko. Naisip kong gawin yun minsan pero... peksman, di ko ginawa. Nakakakunsyensya kasi.
Hayyy... buhay! Sa 'pinas pag muka ng talahiban ang aming bakuran, may "Poging" [Pogi ang pangalan ng hardenero ko] magtatabas bago ko matagpuan ang sarili kong nakikipagpatintero sa mga ahas. Si Pogi na rin ang magkudkod ng lumot sa semento at hagdanan bago ako magkandahulog sa hagdan suot ang aking 3 pulgadang stiletto. Si Pogi na rin ang taga walis at taga sunog ng mga dahon.
Hayyy... buhay! Nakakamiss ang maging donya... miss ko ang spa... at higit sa lahat miss ko yung pakuyakuyakoy at di iniisip ang gawaing bahay. O sya... makapaglaba na nga at pagkatapos ay magwawalis pa ako ng sandamakmak na tuyong dahon ng maple trees. Nakakamiss talaga si Pogi [kahit di siya kapogian].




















3 KULO ng Tiyan:
nakanaks! ala teru hatcher. nyehehehe.
Ayos ah, naaliw ako sa pagbasa ng mga isinulat mo sa iyong blog (hehehe ano ba ang tagalog ng blog?).
Dito sa 'pinas madaling maging donya kesa sa ibang bansa tama ka jan. Madaling makisuyo sa kapitbahay.
wow Ma'am nananalo na kayo po Take care!
Post a Comment