Namiss ko ang mga Patay
Thursday, November 6, 2008
Namiss ko ang mga patay kasi ito ang pangalawang taon na di ako nag-aatubiling bumili ng mga bulaklak. Ito ang pangalawang taon na di ako nahirapang magdisisyon kung rosas ba o deysi... kung orkids ba o karnesyon... kung bokey ba o nakabasket ang bulaklak na bibilhin ko.
Namiss ko ang mga patay kasi ngayon lang ako di namuroblema kung nalinisan na ba ang puntod... kung nakapagpailaw na ba [tiyak na tumaas na naman ang singil sa pailaw dahil tiyak nagtaas na naman ang Meralco]... kung nakapagpamisa na ba para sa kaluluwa.
Namiss ko ang mga patay kasi ito ung mga panahon na masaya sa sementeryo. Ito ung mga panahon na dumarating ang aking mga kamag-anak na matagal na di ko nakikita. Mga kamag-anak na nakikita ko lang pag may ililibing na kamag-anak na namatay o papatayin pa lang [ehe, mamamatay pa lang]. Ito rin ang panahon na naa-update ako sa mga tsismis ng aking mga kamag-anak at pinagkukwentuhan ang mga di masyadong ka-bati na kamag-anak.
Namiss ko ang mga patay kasi masaya ang Araw ng mga Patay. Kung paano masaya ako pag may lamay dahil may libreng kape, kornik, chippy, white rabbit at ang favorite ko... pemiento sandwich at Hi-C na juice. Pag ganitong Araw ng mga Patay... marami ding pagkain at inumin. Minsan may kantahan din.
Bigla kong namiss ang mga patay kasi nabasa ko sa blag ng Anak ni Kulapo... ung post niya na Patay Tayo Dyan. Nalungkot akong bigla kasi dumaan ang Undas at di ko na naman naranasan ang pinakapaborito kong Holiday. At higit sa lahat... nalungkot ako dahil wala akong pera. Kaya ng nabasa ko sa blag ni Buraot na may paeklat siyang SikatChupoy hala nakisali na rin ako. Opo! Bigla kong namimiss ang mga patay pag ganitong wala akong kapera-pera. Kaya eto at gumagawa ako ng pera dahil pag nanalo ang post kong ito na "Official Entry to the SikatChupoy Contest"... magkakapera ako dahil may premyo daw ito. Sana nga. Sana nga totoo ito. [Sana di manunuba si Buraot.]

Bigla kong namiss ang mga patay kasi dito sa Isteyt walang kabuhay-buhay ang Araw ng mga Patay. Dito walang katao-tao sa sementeryo... puro patay lang. Di gaya sa atin sa Pinas magkakajamming ang mga buhay at patay. Mas mahalaga sa mga Kano ang Halloween at magsuot ng mga nakakatakot o nakakatawang costumes. Mas mahalaga sa kanila ang magdecorate ng pumpkin at kumain ng pumpkin pie at mamudmod ng tsokoleyts. Tama si Buraot, ng sinabi niya sa post niya...
Na-miss ko tuloy ang undas sa atin. Kasi sa atin, parang picnic sa sementeryo. Me wala pang videoke. Wantusawa din sa tanpuluts. At di mo na rin kelangan pang gumastos ng milyun milyung singkong kulot. Me lapad ka lang at baong wento, katalo na. Enjoy ka na, tipid ka pa.
San ka pa?
Nakakamiss talaga ang mga patay. Pero sana huwag muna ako mamatay.
















4 KULO ng Tiyan:
abot abot... kita agad ng otobots ko. hehehe. tenkyu sa pagsali.
gudlak blackjack!
astig ng audio mo ! pinoy na pinoy!!
boni station
http://bontalampas.blog.friendster.com
hahaha. natawa ako sa title at ending mo... hwag ka muna mamatay. anyway, nakakagutom ang mga pictures ng pagkain sa blog mo. miss ko ang pagkain sa pinas, hindi ang mga patay... hehehe.
ruth, galing ng entry mo. as in. nakakatawa pero nakakalungkot din.
Post a Comment