Panalo ang Lola nyo!

Saturday, November 22, 2008

Hay, pagkatapos ng isang linggong pangangampanya, lumabas na rin ang resulta ng botohan... panalo ako. Yehey! Ganito siguro ang feeling ni Obama noong nalaman niyang nanalo siya bilang Presidente ng 'merika.

Hay, pagkatapos ng isang linggong pagmamakaawa sa mga tao na iboto ako, heto at namamayagpag ang beauty ko... nanalo ako. Yehey! Ganito siguro ang pakiramdam ni Ate Guy noong humahakot siya ng Famas Award.

Hay, pagkatapos ng isang linggong pagngangalumata dahil di ako makatulog sa kakaisip, ayan at inilabas na desisyon... panalo nga ako. Yehey! Ganito siguro ang damdamin ni Freddie Aguilar kaya luwa ang kanyang mata [laging puyat or may iba pang siyang ginagawa].

Hay, pagkatapos ng isang linggong botohan eto naman ako at magpapasalamat sa mga taong pinagkakautangan ko ng loob... dahil nanalo nga ako. Yehey! Maraming salamat sa mga taong nagmamahal sa akin... sa mga taong naniwala sa aking kakayahan... sa mga taong aking binayaran, tinutukan ng baril, at natrauma sa aking pamba-blackmail... at sa aking pamilya sa walang sawang pangungulit ko... kay Ricky Reyes para sa aking hair do... at sa baul ng lola ko para sa aking outfit... at higit sa lahat kay TalkSmart para sa natatanging Award na ito... ang Filipiono Blog of the Week. [Applause]

Hay, pagkatapos ng isang linggong botohan eto na naman ako at mangangampanya na ulit... dahil gusto ko uling manalo. Yup! Kasali po ulit ako para sa pangalawang linggo. Yup! Todo na po ito. Pang HALL of Fame naman po ang drama ko ngayon. Kaya PLEASE LANG PARANG AWA NYO NA IBOTO NYO AKO! ang entry ko ay "ruthigavargregoire" at ito yon... itong blog na binabasa nyo ngayon ang entry ko... kaya please pa-boto naman ulit oh. Eto ung link i-click nyo... nasa "side bar" po ang POLL nakalagay VOTE NOW! Ako ang nangunguna sa listahan kaya madaling hanapin. Salamat po ulit.

[Yun lang Direk! CUT! Pack-up na tayo.]

15 KULO ng Tiyan:

johnlazy November 22, 2008 at 12:21 PM  

Wow nakaktuwa ka naman po ang saya saya good luck po ma'am. Take care!

piebuko November 22, 2008 at 2:45 PM  

congrats Ruthi! :)

RonTuron November 22, 2008 at 3:07 PM  

wowowowow!!! at anong ginagawa ng isang sikat na kakapanalo lang ??? hehehehehe!!!

CONGRATS RUTHI!!!

salamat sa pagdaan sa munti kong bahay ampunan.. hehehe

RonTuron November 22, 2008 at 3:24 PM  

haha.. magaling ba? o magaling lang mamburaot si turones? hehehe

about dun sa gamit kong program... MS PAINT para sa photo editing at post production. tapos i use notepad naman para sa XML editing. hahaha! mashadong advance di ba? hahaha!!!

Ruthi November 22, 2008 at 3:44 PM  

@ johnlazy... salamat ang saya nga ng feeling. hirap din mangampanya hahahaha. thanks for dropping by.

Ruthi November 22, 2008 at 3:44 PM  

@ piebuko... thanks at lot and thanks for visiting me again.

Ruthi November 22, 2008 at 3:46 PM  

@ ron turon... asus ano pa kaya ang puede kong gawin dito... mangangampanya ulit ako dahil pang Hall of Fame na ang drama ko eh.

Galing naman ng gamit mo sa designing hi-tech nga... pero seriously galing mong magdesign talented ka talaga. keep it up.

pchi November 22, 2008 at 11:44 PM  

oi, akala ko boboto pa ako

panalo ka na pala. yay. sayang hindi na ako na bilang

congrats, isa itong well-deserved award

at tama ka nga, narealize ko din ang poin mong yun. (regarding sa bf ko)

salamat sa paalala

Ruthi November 23, 2008 at 9:07 AM  

@ Pchi... hey sis, di pa huli ang vote mo ha... pang Hall of Fame na ako. hahahaha.

regarding your bf... hinay hinay lang you are still young. kung talagang ukol bubukol... hahaha walang bukol sa tiyan ha. wink.

Rolly November 23, 2008 at 2:50 PM  

Congrats pala sa panalo mo, sana manalo ka ulit this week para makuha mo ang hall of fame. Keep posting good articles para makita ng mga judges. Keep it up.

Just to say hello, pls vote for me for 2008 Pinoy Expats by clicking the next word link,Ronel Livelihood, check boxes no. 19, Joro Livelihood and no.5, Euroangel. Thanks.
Ronel Livelihood
Joro, The New Beginning
Absolutely Joro
The World Of Joro
The Tale Of A Bukidnon Lad

nice November 23, 2008 at 4:28 PM  

hay mare,ano ba ako,i voted you today eh tapos na pala,ahehehe,mayron pa kasi ang link doon eh,pero nyways,congratz mare oi,now you can relate obama's feelings when he won the candidacy...ahehe

sunny November 23, 2008 at 11:55 PM  

congrts mi amiga!!!!!

GaryChie November 27, 2008 at 9:30 AM  

Elow amiga, congrats sa'yo...ang galing mo sobra!

Anonymous December 7, 2008 at 8:00 PM  

congrats sa panalo mo po! noranian po ako. God bless!!!

shopping blog September 6, 2010 at 10:46 PM  

These contact reduces of pandora jewerly diamonds includes; emerald cut diamond, marquise pandora bead cut and little princess minimize. These kind discount pandora of bright reduces for diamonds help pandora sale make those on the first class.One doesn't style, perfect discount pandora beads shine and charm.Women prefer usually jewelry coupled with cheap pandora beads introduced about wedding certainly new pandora beads they wish to have just this contact awkward pandora set most people believe that pandora sets there's basically no evaluation involving cheap pandora sets diamonds after all.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP