Wagi ang Lola Nyo! Salamat kay La Aunor
Saturday, November 29, 2008
Masarap ang tagumpay. Masarap ang pakiramdam noong una akong nananalo. At mas masarap pala ang pakiramdam ng pangalawa.
Take two na ito. Yep! Sa pangalawang pagkakataon, nakuha na naman ng Lola nyo ang pinakamataas na karangalan sa larangan ngpelikula blagging. Opo. Nanguna na naman po ang blag na ito sa ika-136 na linggo sa Filipino Blog of the Week Award. At Opo ulit. Hall of Fame na po ako. Bwahahahahaha. Sa wakas, feel na feel ko na ang aking tagumpay. Salamat kay TalkSmart para sa pagkakataong ibinigay mo na mapasama ang sa Puso at Isip sa listahan ng mga Blog Awardees. Isa itong karangalan.
Take two na ito. Yep! Sa pangalawang pagkakataon, nakuha na naman ng Lola nyo ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng
At marami na naman akong pasasalamatan:
Unang-una si Ate Guy, ang aking inspirasyon. Ang kanyang mga makabagbag damdaming awitin gaya ng Paru-parung Bukid, na nagpapabalik sa mga masasayang alaala ng aking kamusmusan habang sumasayaw kami ang aking pakner sa ilalim ng init ng araw noong Field Day namin sa school. Ang Pearly Shells, My Little Grass Shack at Tiny Bubbles na pawang paborito kong awitin at mga naging No. 1 sa Billboard noong dekada setenta dahil sa kanyang Blockbuster Movie na Blue Hawaii kapakner si Kuya Pip. Parang sinakluban ng langit at lupa ang mga fans ni Ate Vi at Kuya Bobot noon. Hmmmmm... kaya naman halos isang linggo din ako di kinakausap ng aking bespren noon dahil Vilmanian siya at Noranian ako. Hmmmmmpf ulit. Eh bakit ba, eh sa mas magandang kumanta si Ate Guy kesa kay Ate Vi na boses ipis. Ikaw ba naman ang maging Champion sa Tawag ngTanggalan Tanghalan at panay ang awit habang nagtitinda ng tubig sa may riles ng tren.
Pangalawa, sa aking Pamilya. Of course, di puedeng di sila pasalamatan dahil full-support sila sa akin. Sila ang araw-araw na bumoboto sa akin dahilwala silang choice mahal nila ako. Dahil pinakabitan ko sila ng internet para lang iboto ako naniniwala sila sa aking kakayahan sa makabagong literatura. Naks! Sa aking Hipag na si Cherry, dahil sa kanyang walang sawang pagnonobena at pagrorosaryo para lang malampasan ko ang pagsubok na ito pagboto sa akin. At sa aking kapatid na si Japol, na nag-file ng leave of absence ng 2 linggo sa kanyang trabaho para lang baybayin lahat ang internet cafe sa buong Menila para lang iboto ako. Dahil isang beses lang puedeng makaboto dahil blocked na agad ang IP Address pagkatapos ng isang boto.
Pangatlo, sa aking milyong-milyong tagasubaybay. Sa mga taong walang sawang tumatangkilik ng aking blag. Sa mga kapwa ko blaggers na bomoto sa akin. Sa mga taongnauto ko naging bahagi ng aking buhay bilang blagger. Sa aking mga dating estudyante na hanggang ngayon ay sumisipsip nagtitiwala pa rin kay Ma'am. Sa aking mga friends sa Friendster [may blag din po ako don, ung Nagging Thoughts], na walang sawa ding nagviview ng aking profile don at mega-comment pa... Tenkyu Guys! You Rock! At para din sa aking mga naging kalaban... inaalay ko rin sa inyo ang award na ito. [Oh ayan, no hurt feelings ha].
Naniniwala ako na mabait ako. Naniniwala ako na isa akong mabuting tao. Naniniwala ako na magaling ako kaya ako nanalo. At syempre gaya ng mga artistang tumtanggap ng Famas Award, nagpapasalamat din ako kay Lord. Nagpapasalamat ako doon sa nasa itaas. Nagpapasalamat ako kay Lord... pero Lord wag mo muna akong kukunin... dahil may siyam pa akong blags!
PATALASTAS: Sa isang linggo baka po si Victor Wood naman ang magiging Guest Artist ko sa aking Jukebox. Sana po ay suportahan natin ang Pinoy Musik!
Unang-una si Ate Guy, ang aking inspirasyon. Ang kanyang mga makabagbag damdaming awitin gaya ng Paru-parung Bukid, na nagpapabalik sa mga masasayang alaala ng aking kamusmusan habang sumasayaw kami ang aking pakner sa ilalim ng init ng araw noong Field Day namin sa school. Ang Pearly Shells, My Little Grass Shack at Tiny Bubbles na pawang paborito kong awitin at mga naging No. 1 sa Billboard noong dekada setenta dahil sa kanyang Blockbuster Movie na Blue Hawaii kapakner si Kuya Pip. Parang sinakluban ng langit at lupa ang mga fans ni Ate Vi at Kuya Bobot noon. Hmmmmm... kaya naman halos isang linggo din ako di kinakausap ng aking bespren noon dahil Vilmanian siya at Noranian ako. Hmmmmmpf ulit. Eh bakit ba, eh sa mas magandang kumanta si Ate Guy kesa kay Ate Vi na boses ipis. Ikaw ba naman ang maging Champion sa Tawag ng
Pangalawa, sa aking Pamilya. Of course, di puedeng di sila pasalamatan dahil full-support sila sa akin. Sila ang araw-araw na bumoboto sa akin dahil
Pangatlo, sa aking milyong-milyong tagasubaybay. Sa mga taong walang sawang tumatangkilik ng aking blag. Sa mga kapwa ko blaggers na bomoto sa akin. Sa mga taong
Naniniwala ako na mabait ako. Naniniwala ako na isa akong mabuting tao. Naniniwala ako na magaling ako kaya ako nanalo. At syempre gaya ng mga artistang tumtanggap ng Famas Award, nagpapasalamat din ako kay Lord. Nagpapasalamat ako doon sa nasa itaas. Nagpapasalamat ako kay Lord... pero Lord wag mo muna akong kukunin... dahil may siyam pa akong blags!
PATALASTAS: Sa isang linggo baka po si Victor Wood naman ang magiging Guest Artist ko sa aking Jukebox. Sana po ay suportahan natin ang Pinoy Musik!





















2 KULO ng Tiyan:
ahehe. naks. baka grand slam na yan ate
congrats pala! well-deserved award. oi, nga pala ginawaran din kita ng award...
paki check na lang sa page ko
salamat
ayos ah, winning streak! Congratulations!
Still new at may blog so milyong taon pa siguro ang aabutin bago ko marating ang rurok ng tagumpay na naabot mo ;)
Post a Comment