Magpapasko na naman

Friday, December 5, 2008

Magpapasko na naman. Malamig na ang simoy ng hangin kaya siguradong magpapasko na. Noong nasa 'pinas ako, pag ganitong malamig ang simoy ng hangin ramdam ko na ang pasko. Damang-dama ko na ang pasko kahit Setyembre pa lang dahil awiting pamasko na ang pinatutugtog sa radyo... sa jeepney... at maging sa tricycle na nasasakyan ko.

Magpapasko na naman. Malamig na dito sa amin kahit di pa masyadong bumabagsak ang snow. Pero dito sa 'merika kahit ganitong malamig na ang simoy ng hangin di pa rin ramdam ang pasko. Di ko masyadong dama ang pasko dito kasi pangkaraniwan na itong malamig na panahon dito at hindi naman ako nakakarinig ng nagpapatugtog ng awiting pamasko dito kasi walang jeepney at tricycle dito.

Magpapasko na naman. Malamig na sa 'pinas pag ganitong panahon at tiyak dagsa na naman ang mga tao sa Malls dahil sa baratilyo at Midnight Madness Sales. Tiyak ang ganda na naman ang mga dekorasyon sa mga tindahan at maraming ilaw na kumukiti-kutitap. Tiyak marami na namang naglipanang snatchers o mandurukot at inaabangan ang mga tatanga-tangang panic shoppers.

Magpapasko na naman. Malamig na nga dito sa amin at may mga dekorasyon ang mga tindahan kaso wala masyadong namimili. Pano mamimili, walang pambili. Pano mamimili, recession dito ngayon at maraming natanggal sa mga trabaho. Pano mamimili kung walang sweldo. Kahit pa nga araw-araw may sale... wala pa rin masyadong namimili... kasi sale nga... ibig sabihin.... ipinagbibili ang paninda... kelangang magbayad ka.

Magpapasko na naman. Malamig na sa 'pinas at dito sa 'merika. Ngayong pasko dito ulit ako sa 'merika magselebreyt. Di pa ko puedeng umuwi eh. Kaya ngayong pasko selebreyt ko okasyon kasama ang pamilya ko sa 'pinas... sa webcam na lang muna. Buti na rin ito at tipid. Ang ang mga regalo ko download lang nila. Kung kaya nila. hahahaha. Hay, magpapasko na nga.

6 KULO ng Tiyan:

PaJAY December 14, 2008 at 10:01 AM  

.......Sarap cguro jan pag may ksamang gelpren...lolz...may kaakap at kagilagid sa magdamagang lamig...hehehe...

Meri xmas!....Godbless.

BURAOT December 14, 2008 at 10:26 AM  

hay naku mare. hirap ng magpapasko, nasesenti lang ako. ayan nag snow pa kagabi. huhuuh.

hirap ng malayo sa pamilya.

Ruthi December 18, 2008 at 2:12 PM  

@ Pajay.... ay naku kung alam mo lang mas masarap jan sa atin. Meri Xmas din.

Toilet Thoughts December 20, 2008 at 9:16 AM  

Hehe. Tumawag nanay ko mula tate, kinuwento ko mga kinakain ko ngayon, kaldereta, menudo, adobo, kare kare, bangus, tilapia, lumpia, matamis na spageti, biko, puto, at kung anu anu pa.

Ayun, nainggit. Na miss daw nya pinas. haha.

Rolly December 23, 2008 at 5:16 PM  

There is no place like home.

Just to say HELLO and Merry Christmas to all! I need your help. Pls vote for me by clicking this link Joro Livelihood,locate TOP PINOY EXPATS 2008,which is located in the sidebar and then, check the boxes no. 19, Joro Livelihood and no. 5, Euroangel, then, press submit. Thanks.
Ronel Livelihood
Joro, The New Beginning
Absolutely Joro
The World Of Joro
The Tale Of A Bukidnon Lad
Baconchezjoro Multiply

shopping blog September 6, 2010 at 10:38 PM  

These contact reduces of pandora jewerly diamonds includes; emerald cut diamond, marquise pandora bead cut and little princess minimize. These kind discount pandora of bright reduces for diamonds help pandora sale make those on the first class.One doesn't style, perfect discount pandora beads shine and charm.Women prefer usually jewelry coupled with cheap pandora beads introduced about wedding certainly new pandora beads they wish to have just this contact awkward pandora set most people believe that pandora sets there's basically no evaluation involving cheap pandora sets diamonds after all.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP