lunes na naman
Monday, March 31, 2008
Simula't sapol, ang Lunes ay kinatatamaran ko. Ewan ko ba kung anong sumpa meron ang araw ng Lunes?
Bukod sa umpisa ng linggo, ito din ang umpisa ng mahabang paghihintay sa araw ng pahinga (weekend). Hayyy... Lunes, anong meron ka at ako'y tinatamad na naman?
Tinatamad akong bumangon kanina kasi ang sarap matulog lalo't maginaw pa rin. Panahon na ng pagsibol (spring) pero ang niyebe ay mataas pa rin sa likod bahay. Maya-maya, (pagkatapos kong sulatin ito) mag-lilinis na ulit ako ng bahay, maglalaba, mag-iisip ng lulutuin, etcetera, etcetera at etcetera.
Ay naku, magmaktol man ako, di maiiba ang araw, laging may Lunes, kaya wala akong magagawa kundi sumabay na lang sa daloy ng buhay. Gawin ang makakaya at bawasan ang pagrereklamo. Tutal apat na araw na lang ang hihintayin ko at Sabado na ulit.
Hay, Lunes!
















