maagang gising
Friday, August 22, 2008
Maaga akong nagising ngayon. Di gaya noong mga nakaraang araw parang tamad na tamad akong bumangon. Sa kabila ng katotohanan na ilang beses din akong bumangon sa loob ng mahabang magdamag dahil sa kinailangan kong pumunta ng kubeta.Maaga akong nagising ngayon. Pero kahit papano maganda naman ang gising ko. Di gaya noong mga nakaraan mga araw na tila mabigat ang ulo ko kahit pa nga maaga akong natutulog sa gabi dahil wala rin namang mga kwenta ang palabasa sa TV.
Maaga akong nagising ngayon. Siguro naman marami akong magagawang kapakipakinabang na bagay sa maghapon. Di gaya noong mga nakaraan araw na tambak ang labahin, umaapaw ang maruming pinagkanan sa lababo at nanglilimahid ang sahig.
Maaga akong nagising ngayon. Kaya uumpisahan ko ang araw na ito na may positibong adhikain at umaasa na ang buong maghapon ko ay magiging kapakipakinabang... di gaya noong mga nakaraang araw.



















