Itong Blag na 'to

Sunday, November 22, 2009

Kawawa naman ang blag kong ito laging napag-iiwanan. Ito pa naman ang award winning blog ko. Hindi ako gaanong busy talaga [gaya ng aking madalas na sinasabi pag maraming nagtatanong kung nasaan na ako]. Kung sinasabi kong busy ako... alibi lang yon. Madalas nagfe-facebooking lang ako. Kakaadik kaya.

Nitong mga nakaraang araw nagbawas ako ng agiw [lawa-lawa para sa mga taga-Liliw] sa cyberlandia . Naisip ko kasi, dahil di ko rin lang napagtutuunan ng pansin ang siyam na blag na pag-aari ko, naisipan kong todasin na yung 4 na blags na wala masyadong rating [naks] at magkonsentreyt na lang sa 5. At isa nga don ang blag na ito. Palibhasa 4 don ay may sariling domain name na kaya wala akong magagawa kundi i-maintain sila.

At dahil itong blag na ito ay ang natatangi kong blag na tagalog [kung saan ko sinusulat ang mga ideya kong di ko maingles]... o ang kaldero ng mga hinaing ko na ayokong malaman ng mga kano [shhhhhh]... o ang sisidlan ng aking mga kapraningan pag kabilugan ng buwan... binabalak kong ibili rin ito ng sarili niyang domain.

Well, ibibili ko ito ng sariling domain... pero hindi ngayon. Baka sa pasko. Promise!

Read more...

Tuwing Bumabagyo

Friday, October 9, 2009

Tag-bagyo na naman!

Di na ako nagtataka. Di na ako nagugulat. At di na rin ako nag-aalala. Nasanay ba naman ako sa aking Lupang Hinirang na kung saan dalawa lang ang panahon... tag-ulan at tag-init... o tag-El Nino at tag-La Nina... o kaya tag-baha at tag-tuyot... o tag-bagyo at tag-araw.

Dito sa bagong tahanan ko di na rin ako nagtataka o nagugulat o nag-aalala sa panahon. Apat man ang klase ng panahon dito... gaya din sa pinanggalingan ko... pababago-bago. Ang mahirap pa nito, kada 5 minuto nagbabago ang panahon kaya nakakalito. Di ko tuloy malaman kung anong isusuot ko.

Walang pinag-iba. Kung meron man... siguro yong tawag sa bagyo... sa Pinas kasi Storm ang tawag sa bagyo... dito sa Hurracane. Pareho ding may pangalan ang bagyo. At pareho ding nakakabasa... nakakabaha... at nakakasira ng mga ari-arian.

At pag ganitong may bagyo di na ako nakikinig ng balita. At kung makinig man ako, hinihintay kong lang sabihing "walang pasok". Pag ganitong may bagyo pareho rin ang pakiramdam ko... gusto kong matulog... gusto kong kumain ng instant pansit canton... at higit sa lahat gusto kong humilata maghapon.

Read more...

mainit dito... at ang ulo ko

Thursday, August 20, 2009

Singa ang almoranas ko ngayon kaya mainit ang ulo ko!

Ilang araw nang lampas otsenta ang temperatura dito sa Maine. Masakit sa ulo ang init. Hindi na yata ako sanay sa mainit na panahon. Hindi na yata kaya ng katawan ko ang maalinsangang klima. At hindi ko rin type ang magbilad sa araw gaya ng mga kano na mahilig magkula ng kanilang mga hubad na katawan sa arawan.

Sabagay, palibhasa maitim na ang balat ko kaya di rin ako interesadong mag-sunbathing. Kaya palagay ko noong umalis ako ng bayang sinilangan, nabawasan ang suki ng Likas papaya soap at Maxi-peel.

Dito... sa tanning salon lang ako nakakatipid dahil di ko kelangang gumastos para magpaitim ng balat. At dito... inggit sila sa kulay ko.

Read more...

Pana-panahon lang Yata

Thursday, April 2, 2009

Anak ng Tipaklong! Nahihilo na talaga ako dito sa 'Merika. Mas mabuti pa sa 'Pinas kung merong isang bagay na predictable... yun ay ang panahon. Pag sinabi ng "Pag-asa-a" na "magiging mainit ang panahon"... siguradong uulan uyn. Kaya nga kahit anong tukso ang lumapit di ako magsasampay ng labada dahil ako rin ang mahihirapang magtanggal non sa sampayan matapos kong isa-isahing lagyan ng sipit ang nakakasilaw sa linis kong mga damit.

Anak ng Tinola! Dito sa 'Merika palibhasa apat ang panahon, kaya pati si Mother Nature eh nahihilo... nag-iisnow sa Spring... umuulan sa Summer... Fall na di pa nalalagas ang mga dahon... at minsan Winter na di pa nagsnow. Buti pa sa 'Pinas isa lang ang palatandaan ng panahon... pag umulan - tag-ulan... pag uminit - tag-init. At kung umulan man sa Summer ok pa rin kasi kahit papano eh lumalamig ang maalinsangang paligid. At kung uminit naman sa tag-ulan bonus yun at least di ko kelangang lumusong sa baha.

Anak ng nakakahilong Panahon! Spring na dito at sa dako pa roon ay Summer naman. Kelangan ko na namang ayusin ang aking cabinet at sa pagpapalit ng panahon magpapalit na naman ako ng mga outfit namin. Buti pa don sa 'Pinas walang dapat palitan. Tag-ulan man o tag-araw... ang payong ko lang ang aking kasama at maaasahan. Dito sa 'Merika kelangang may makapal na coat at insulated boots ka sa Winter, medyo manipis na coat at rubber boots naman sa Spring [dahil sa putikan at basa lagi ang paligid dahil sa natutunaw na snow], sando at tsinelas na ang suot sa Summer, at coat at boots ulit sa Fall.

Anak ng Bota! Hala, reklamo pa. Yun lang naman ang maganda sa pagpapalit ng panahon... di nagbabago ang takbo ng utak ko. Ang tema lang ng reklamo ko ang nagbabago pero reklamo pa rin. Hayyyy, buhay! Miss ko ang 'Pinas! Pero pustahan tayo... pagdating ko don, reklamo rin ang maririnig mo sa akin.

Paunawa: Pasensya na wala na naman akong maisip na isulat. At pag nangyayari uyn, madalas reklamo ang naiisip ko. Siguro dahil na rin ito ng panahon.

Read more...

Gusto kong maging Senador ng Pilipinas!

Thursday, February 5, 2009

Mainit-init pa itong e-mail na natanggap ko sa pinsan ko. Minarapat ko na i-post ito dito dahil magandang inspirasyon ito sa mga Pinoy na gaya ko. Hala, sige pag usapan natin ngayon ang pulitika... ang isyu at tema na nakakapanting ng tenga at nakakalapot ng dugo. Ilabas na ang inyong mga aspirin at calciblock at baka tumaas ang inyong high blood. [hahahaha... mataas na high pa... oh di ba]


ANG SARAP MAGING SENADOR!

Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakat ira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !


Oh well, bakit nga ba hindi ko naisipang maging Senador. Bukod sa pagiging Artista sa Pelikula [big time or starlet man] ang pagiging Pulitiko ang isa sa pinaka mabisang karera na tiyak na magpapayaman sa tao. At walang halos pinagkaiba ang 2 career na ito... parehong kelangang makapal ang muka mo... matatag ang loob mo... at di masyadong apektado ang konsyensya mo.

Read more...

Tag-mo-na-rin

Tuesday, January 13, 2009


Ang daming nangyari noong nakaraang buwan. At sa dami... madami ring akong nakalimutang gawin... gaya nitong TAG ng Lolo Buraot ko. [Panawagan: Pasensya na Ingkong bisibisihan talaga ako kaya ngayon ko lang po napaskil ito].

Sa totoo lang di ko alam ang tawag sa TAG na ito pero ilalagay ko na rin. Siguro SMILEY Tag kasi smiley icon eh. At sabi sa post ni Kuyang para daw sa mga senti ito... so sa totoo lang... confused ako. Anyway, lagay ko na rin dahil isa itong malaking karangalan mula sa Anak ni Kulapo.

Ipapasa ko daw rin ito. Ewan ko ba kung pano. Dahil nga napaglipasan na ako... tiyak ung mga gusto kong pasahan nito meron na nito at makakatanggap lang ako ng komento na ganito...


Thanks for thingking of me. I already done this.

Sus... kasi naman bagal kong gumawa. Unahan talaga ang lakaran dito sa blogosphere eh. Pag patay-patay ka... PATAY ka!

Kaya ganito na lang... Hoy Ikaw! Ikaw nga! Bago ka ba? Gusto mo ng TAG? Sige getching mo na. Para sa iyo ito. Link mo ako tapos sabihan mo ako at link din kita. Ayos ba?

Read more...
Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP