Gusto kong maging Senador ng Pilipinas!
Thursday, February 5, 2009
Mainit-init pa itong e-mail na natanggap ko sa pinsan ko. Minarapat ko na i-post ito dito dahil magandang inspirasyon ito sa mga Pinoy na gaya ko. Hala, sige pag usapan natin ngayon ang pulitika... ang isyu at tema na nakakapanting ng tenga at nakakalapot ng dugo. Ilabas na ang inyong mga aspirin at calciblock at baka tumaas ang inyong high blood. [hahahaha... mataas na high pa... oh di ba]ANG SARAP MAGING SENADOR!
Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakat ira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !
Oh well, bakit nga ba hindi ko naisipang maging Senador. Bukod sa pagiging Artista sa Pelikula [big time or starlet man] ang pagiging Pulitiko ang isa sa pinaka mabisang karera na tiyak na magpapayaman sa tao. At walang halos pinagkaiba ang 2 career na ito... parehong kelangang makapal ang muka mo... matatag ang loob mo... at di masyadong apektado ang konsyensya mo.
















7 KULO ng Tiyan:
yan ay sa senador pa lamang...panu pa kaya ang pangulo...ahehehe...
see...kaya nga halos magpatayan na ang mga tao sa pulitika...yung pera ko inuubos nila...este pera natin pla...nating mga taong bayan.. :)
Very informative. I have heard of this before, pero mas may impact talaga when you are reading it. Kaya sila nagpapatayan para maging presidente kasi billions na dun ang kita.
uu nga.. ang laki ng winawaldas nila na pera
kahit yung ordinaryong mayor lang ng maliit na munsipyo may isang milyon, buwan-buwan a hindi audited yun ah :(
kaya lang, ginagamit kaya nila para sa bayan? mukhang hindi
yun din nga ang naisip ko. uwi na lang ako sa pinas at tatakbong senador. pero hahanap muna ako ng bangko para mag-loan ng pang puhunan.
gagawa lang ako ng business plan at sasabihin ko yung sinabi mo. heheheh.
just make sure na kung tatakbo ka senador eh di ka magcocorupt. Pero di kc maiiwasan un eh. Kung magiging corrupt ka man ung konti lang kunin mo.para marmai matira para sa taong bayan..nice post by the way.More power
Kung ikaw nga ang magpapatakbo, iboboto pa kita.
Tapos...you have been tagged! Kung feel mo, paki bisita ng link.
http://roncentenowordstoremember.blogspot.com/2009/02/whats-in-name.html
Hay naku minsan natotorete ako pag nagbasa ako dyaryo sa atin eh ...puro korupsyon at patayan. Wala na ba pagbabago- wala bang mamumuno na hindi mukhang pera?
Post a Comment