mainit dito... at ang ulo ko

Thursday, August 20, 2009

Singa ang almoranas ko ngayon kaya mainit ang ulo ko!

Ilang araw nang lampas otsenta ang temperatura dito sa Maine. Masakit sa ulo ang init. Hindi na yata ako sanay sa mainit na panahon. Hindi na yata kaya ng katawan ko ang maalinsangang klima. At hindi ko rin type ang magbilad sa araw gaya ng mga kano na mahilig magkula ng kanilang mga hubad na katawan sa arawan.

Sabagay, palibhasa maitim na ang balat ko kaya di rin ako interesadong mag-sunbathing. Kaya palagay ko noong umalis ako ng bayang sinilangan, nabawasan ang suki ng Likas papaya soap at Maxi-peel.

Dito... sa tanning salon lang ako nakakatipid dahil di ko kelangang gumastos para magpaitim ng balat. At dito... inggit sila sa kulay ko.

4 KULO ng Tiyan:

betchai August 29, 2009 at 10:36 PM  

hi ruthi, nagbibisita lang, musta? back to school na din ba dyan? i try to keep up my blogging despite having little time too :(

The Snappy Sparrow October 13, 2009 at 3:10 PM  

hi ruthi, at least nakatipid ka sa tanning salon heheh :)

Ruthi October 15, 2009 at 1:21 PM  

@ betchai... yes back to school na ulit pero i'm happier now with the new site assignment ko. Happy blogging friend.

Ruthi October 15, 2009 at 1:22 PM  

@Snappy Sparrow... exactly! At tipid din ako sa whitening lotion kasi di uso ang maputi dito. hahahaha

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP