mainit dito... at ang ulo ko
Thursday, August 20, 2009
Singa ang almoranas ko ngayon kaya mainit ang ulo ko!Ilang araw nang lampas otsenta ang temperatura dito sa Maine. Masakit sa ulo ang init. Hindi na yata ako sanay sa mainit na panahon. Hindi na yata kaya ng katawan ko ang maalinsangang klima. At hindi ko rin type ang magbilad sa araw gaya ng mga kano na mahilig magkula ng kanilang mga hubad na katawan sa arawan.
Sabagay, palibhasa maitim na ang balat ko kaya di rin ako interesadong mag-sunbathing. Kaya palagay ko noong umalis ako ng bayang sinilangan, nabawasan ang suki ng Likas papaya soap at Maxi-peel.
Dito... sa tanning salon lang ako nakakatipid dahil di ko kelangang gumastos para magpaitim ng balat. At dito... inggit sila sa kulay ko.
















