Ngiti

Saturday, May 22, 2010

Sabado na ulit at ABaKaDa Sabado ay kelangang gawin. Kaya heto at naghahagilap ng salita at larawan. Heto at natutuliro sa pag-iisip at pag mumuni-numi. At heto natataranta sa pagpo-post ng blag para sa Meme ko.

Kaya para sa Letrang NGA... NGITI!


Tunay na nakakahalina
Panghagod sa kaluluwang pagod
Simpleng ngiti ni Neneng
Tunay na nakakabusog

TITIK NGA... NGITI




Read more...

Si Nanay

Saturday, May 8, 2010

Sabado pa rin ngayon kaya ABaKaDa Sabado pa rin ang paksa ko. Bukas ay Lingo kaya di na tugma ang paksa ko. Pangalawang post ko para sa araw na ito... pahabol para bukas... araw ng mga Nanay sa mundo.

Kaya para sa Letrang NA... NANAY!


Siya ang aking gabay
Masungit man paminsan-minsan
pero walang kapantay magmahal.


Namimiss kita ngayong wala ka na
Ngunit iyong ala-ala nasa puso ko tuwina
Maligayang Araw ng mga Nanay... aking Inay!


TITIK NA... NANAY




Read more...

Manga

Sabado at ABaKaDa Sabado na naman. Sabado ngayon at umuulan. At pag ganitong panahon, wala akong naiisip kundi ang kumain. Kaya naman ngayong Sabado ang aking napagdiskitahan ay ang kawawang "manga".

At nagkataong ngayon ay nasa Letrang MA... MANGA!


Paboritong prutas
Mapahinog o mapahilaw
Kaulam ng suman o sawsaw sa bagoong man
Paboritong manga'y
Laging katakam-takam



Titik MA... MANGA!



Read more...

Ang Langaw

Saturday, May 1, 2010

Sabado na ulit at eto naghahagilap ng ilalagay na post para sa aking ABaKaDa Sabado. Ang bilis ng panahon... parang kelan lang ay nasa Titik A...

... ngayon ay nasa Letrang LA na... LANGAW!


Mortal kong kaaway!



TITIK LA... LANGAW




Read more...

Inang Ko Po

Saturday, April 24, 2010

INANG KO PO! Sabado pala ngayon at nakalimutan kong gumawa ng post para sa ABaKaDa Sabado.

At ngayon ay nasa Letrang I... Inang Ko Po!

Inang Ko Po... Sabado na naman
Sa dami ng gawain nakalimutan ang mahalaga
Sa dami ng labahin di na magkandaugaga
Sa dami ng tiklupin di na makatunganga
Hay... paano na nga kaya Inang ko... ganito na lang ba?



TITIK I... INANG KO PO!




Read more...

Halakhak

Saturday, April 17, 2010

Sabado na ulit at oras na para sa ABaKaDa Sabado.

Nakakatawa nga naman ang buhay. Eto ako at nag-umpisa ng kalokohan... at hirap na hirap panindigan. Kaya naman eto na naman naghahagilap ng maisusulat dahil Sabado na naman.

At para sa Titik HA... Halakhak ...



Halakhak... gamot sa pusong sadlak sa kalungkutan
Masaklap na kapalaran... tawanan mo lang
Dahil ang pagsubok sa buhay ay may katapusan.




TITIK HA... HALAKHAK!




Read more...

Ang Mabitaminang Gatas

Saturday, April 10, 2010

Sabado na ulit at oras na para sa ABaKaDa Sabado.

Ang nakaraang araw ay medyo maalwan at kaaya-aya maliban kahapon na maulan. Subalit sa kabila ng lahat ako'y naliligayan. Kahit papano ay alam kong malapit na ang tag-init.

At para sa Titik GA... GATAS... ang salitang naisip ko. Sapagkat sa idad kong ito, ang gatas ang mahalagang sangkap para sa aking nutrisyon.


Gatas... puno ng Bitamina na kelangan ng katawan
Calcium na mineral para sa butong marupok dala ng katandaan
Inumin ng madalas para hindi mapilay
At ng maging masaya ang nalalabing buhay.

TITIK GA... GATAS!




Read more...

Engkanto

Saturday, April 3, 2010

Sabado na nga... at huli na ang post na ito para sa ABaKaDa Sabado.

Puyat ako at wala sa wisyo. At walang maisip na salitang Pinoy na akma para sa titik E at bahagyang katamaran.

At dahil sa walang maisip... eto na lang ang aking ilalagay...

Para sa Titik E... ENGKANTO!



Pinoy na Pinoy. Di mawawala sa paniniwala.
Ang mala-engkantong paghanga sa mahihiwaga.
Totoo man o kathang isip... si La Aunor pa rin ang aking Idol.
WALANG HIMALA!





Read more...

Ang Dahon... Bow!

Saturday, March 27, 2010

Hay Sabado na pala di ko man lang namalayan. Kaya eto nagdudumali akong gumawa ng ABaKaDa Sabado post ko. Kahiya-hiya naman na ako ang nag-umpisa ng kalokohang ito eh ako ang walang post.

Kaya heto na... Sabado na naman at ang ABaKaDa Sabado ay nasa Tiktik Da.

Titik Da... Dahon!

Berde ang kulay...

minsan ay makulay...

minsan ay patay...





Read more...

Ang Kanin!

Saturday, March 20, 2010

Sabado na naman... walang pasok ako. Hay salamat makakatulog ako ng mas mahaba. Labada ay natapos ko na... kahapon pa. Palantsahin ay kalimutan na muna. Sabado ngayon at pagkain naman ang aatupagin ko.

Sabado na naman at oras na para sa ABaKaDa Sabado. At ngayon ay nasa titik Ka.

Titik Ka... KANIN.

Pinoy na pinoy. Di kayang ipagpalit sa french fries o mashed potato man lang.
Laging hahanapin... san man makarating.

Dahil ang pinoy... pag nalulungkot at nahohomesick sa Lupang Hinirang
Pagkain ang nasa isip... kahit ulam ay alamang.




Read more...

Bakya ni Neneng

Saturday, March 13, 2010

Para sa ABaKaDa Sabado... ito ang naisip kong Pinoy na Pinoy.


Sabado na naman... walang pasok ang mga bata... pati ako. Labada ay nakababad na. Palantsahin ay nakapila pa.

Para sa Letrang Ba... BAKYA!

Sapin sa paa. Pilipinong talaga.
Lumikha ng mga bakas na lumipas...
Na kahit kaylan ay di kumupas.



Piktyur Galing sa Wikipedia.


Read more...

ABaKaDa Sabado... A

Saturday, March 6, 2010

Ang Abakada... bow!

"Sabado na naman... walang pasok ang mga bata... naglilinis si Neneng ng bahay..." Hay, yan ay linya sa isang aklat noong akong nasa Unang Baitang na namemorya naming magkakapatid.

Sabado ngayon... at ito ang unang Sabado na sisimulan ko ang aking inimbentong Meme... ang ABaKaDa Sabado. At dahil ABaKaDa... uumipisahan ko sa Titik A... AKO

Ako ay panganay.

Ako ay nag-iisang anak na babae.

Ako ay Pinoy.



Read more...

Totohanan na ito!

Friday, March 5, 2010

Hala... napasubo na talaga ang Lola nyo. Siguro talagang ganito ang takbo ng utak ng kakatapos lang na malabatiba. Medyo hilo pa ang Lola nyo dahil sa isinaksak na anestisya bago isundot sa pu**t ko ang maliit na kamera para sa colonoscopy. Buti na lang malinis ang aking bituka at walang namamahay na agiw. Kaya Kampante na ako. Tuloy ang ligaya.

Pero dahil nga siguro hilo pa rin ako at sumabak na agad sa pagboblog... ayan naki sali na rin ako kay Mister Linky at paninindigan ko na itong Meme na naisip ko.

At syempre may gaya ng ibang mga Meme... may mga susunding patakaran. Hmmmmmm... isip-isip! Eto na!

Una... Ipagmalaki mo na Pinoy ka. Kaya gayahin mo ako... maggawa ng post kada Sabado... wid matsing piktyur at konting talata o tula [bahala ka kung anong type mo].

Pangalawa... Gawa ka ng sarili mong ABaKaDa Sabado post sa iyong blog. Tapos balik ka dito at klik mo si Ginoong Linky sa bandang ibaba para makapunta ka sa "listahan ng pakikibaka" [participation list]. Isulat ang inyong PANGALAN at ang link sa iyong post doon sa kahon. At ilagay ang logo ng ABaKaDa Sabado sa ibaba ng iyong post.

Pangatlo... Magsaya ka at magala sa ibang ibang blog na nakibaka at naging mga kabatak. Mag-iwan ka rin ng konting pagbati sa kanilang "comment box" para puntahan ka rin nila. Yun lang.


Opo mga kababayan... Ayan na... Opisyal ko nang gagawin ang ABaKaDa Sabado at may linkies cheness pa ito. Harinawa'y may makisali sa aking pakulong ito.




Read more...

Gaya-gaya Puto-maya

Eh ano? Eh sa wala pala akong maisip na isulat dito. Nalulugaw na ang utak ko sa kakaisip ng gagawin sa blog na ito eh wala pa ring pumamasok. Hanga ako sa ibang Pinoy Bloggers gaya ni Buraot kasi talagang di nawawalan ng ideya na ilalagay sa kanyang blog.

So, ano? Eh kelangang maglagay ako dito para kahit papano eh maramdaman ko naman ang aking pagiging Pinoy. Kahit papano naman Tagalog pa rin ang pinakamasarap na salitang gamitin sa pakikipagtsismisan. At yun pa nga ang isa... napag-iiwanan ako sa tsismisan.

Kaya ano? Eh nasiip ko na mag-imbento ako ng isang Meme-chuvaness para kahit papano eh may mailagay ako dito kahit isang beses sa isang Linggo. Ang tanong nga lang ay... Mapanindigan ko kaya? Yan, ang malaking hamon.

Papano? Eh di gaya ng mga ordinaryong Meme na nagkalat sa mga iba't-ibang blogs na sa totoo lang eh inimbeto ng mga bloggers para lang magpadami ng traffic sa kani-kanilang blogs. Well, aaminin ko na isa rin yun sa aking maitim na balak. Syempre kada gawa nila ng Meme sa kanilang blog ay... ili-link nila ang url address ko. [kindat***]

Ano na? Eh eto nga... gagawa ako ng Meme na tatawagin kong... ABAKADA Sabado. Obyus ba na tuwing Sabado ko lang ito gagawin dahil yong ang araw ng pahinga? Yap... tama ang hula nyo... kada-Sabado ay maglalagay ng post sa blog wid matshing piktyur at achuhu na may konti paliwanag kung para saan ang larawan o kaya ay matulaing talata. At syempre... mag-sisimula sa titik "A" hanggang makarating sa titik "Ya". At ang titulo ng post ay dapat magsimula rin sa letra ng abakada. Sus... napakakomplikado ba?

Ah basta! Ganon na lang ang gagawin ko. Maari ding maki-usap ako sa ibang kaberks ko ng bloggers na makisali sa aking pakulo kung ayaw naman ay okay lang... mag-isa kong gagawin ito na buong giting... sa susunod na Sabado. hahahaha

Pahabol: At syempre... may logo rin ako nito para medyo parang opisyal ang Meme ko. Pero hindi naman ganito kalaki ang ipapaskil kong logo tuwing magpost ako ng sulatin. Syempre may 125x125 na laki akong ginawa para dyan. Oh di ba?


Oh sya... mememe na ako.

Read more...

Ito ang Konsyensya

Thursday, March 4, 2010

Hala... bigla ba akong nakonsyensya. Kakagala ko sa blog ng may blog... napadaan ako sa Manila Street at nalaman kong naiba na ng timplada ang Kumare ko. Tagalog na lang daw ang blog niya na un. Hmmmm.... magandang ideya ito sa isip-isip ko.

Kaya bigla ko namang naalala na meron din nga pala akong blog na tagalog. Pasensya, nakakalimutan ko ito kasi naman panay ang racket ko sa mga english blogs ko. Dito kasi walang masyadong kita. hahahaha. Medyo tag-gutom ako ngayon kaya ang gabi ginagawa kong araw makapagblog lang at ang araw ay araw pa rin dahil may trabaho naman akong medyo disente. Dun ko naman kinukuha ang aking pambayad sa mga kautangan.

Maryosep... ang hirap ng mahirap. At lalo palang mahirap ang mag-english. Natutuyuan ako. Buti na lang meron nito at ang mga hinaing ko ay naiisambulat ko dito na walang kamalay-malay ang aking mahal na asawa. Yehey!

Read more...

Sa mga susunod na araw...

Sunday, January 17, 2010

Isang Babala:

Sa mga susunod na mga araw ay sisimulan ko na ang pagdedesenyo ng bagong header para sa blag na ito.

Sa mga susunod na mga araw ay iisipin ko kung anong kulay ang gagamitin ko para sa bagong desenyo ng tema ng blag na ito.

Sa mga susunod na mga araw ay tiyak na magiging abala na naman ako sa pagtu-tweek ng draft layout para sa blag na ito.

At sa mga susunod na mga araw mag-bibisibisihan na naman ako.

Read more...

bagong babaguhin

Friday, January 1, 2010

Puede mo bang balikan ang nakaraan? As in... i-rewind ang lumipas?

Puede ka bang magbalik-tanaw na di ka masyadong magiging sentimental? As in... kalimutan mo ang iyong pagiging Drama Queen o King?

Puede bang maglakad ng paurong na di ka matatapilok? As in... para kang lasing.

Bagong Taon na naman. Bagong pag-asa. Bagong hinaharap. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong pakikibaka. Bagong-bago ang lahat.

Sana nga puedeng baguhin ang luma... ang mga nakasanayan... ang mga ala-ala [lalo na ung masaklap at masakit]... ang mga lumipas. Sana puedeng baguhin sila na naaayon sa iyong kagustuhan at panlasa. Pero sa kabilang banda... dapat bang baguhin ang mga ito? Di ba bahagi ang mga yon ng iyong karanasan?

Sa bagong taon na ito, kailangan pa bang gumawa ng listahan ng mga gusto mong baguhin sa iyong sarili? o masaya ka na kung ano meron ka?

Hindi masama ang pagbabago at hindi rin masama ang hindi ka magbago. Kung ano ang sa palagay mong magpapasaya sa iyo... yon ang atupagin mo at gumising sa bagong umaga na may bagong pag-asa.

Maligayang Bagong Taon sa ating lahat.

Read more...
Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP