bagong babaguhin

Friday, January 1, 2010

Puede mo bang balikan ang nakaraan? As in... i-rewind ang lumipas?

Puede ka bang magbalik-tanaw na di ka masyadong magiging sentimental? As in... kalimutan mo ang iyong pagiging Drama Queen o King?

Puede bang maglakad ng paurong na di ka matatapilok? As in... para kang lasing.

Bagong Taon na naman. Bagong pag-asa. Bagong hinaharap. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong pakikibaka. Bagong-bago ang lahat.

Sana nga puedeng baguhin ang luma... ang mga nakasanayan... ang mga ala-ala [lalo na ung masaklap at masakit]... ang mga lumipas. Sana puedeng baguhin sila na naaayon sa iyong kagustuhan at panlasa. Pero sa kabilang banda... dapat bang baguhin ang mga ito? Di ba bahagi ang mga yon ng iyong karanasan?

Sa bagong taon na ito, kailangan pa bang gumawa ng listahan ng mga gusto mong baguhin sa iyong sarili? o masaya ka na kung ano meron ka?

Hindi masama ang pagbabago at hindi rin masama ang hindi ka magbago. Kung ano ang sa palagay mong magpapasaya sa iyo... yon ang atupagin mo at gumising sa bagong umaga na may bagong pag-asa.

Maligayang Bagong Taon sa ating lahat.

6 KULO ng Tiyan:

doroastig January 2, 2010 at 3:39 AM  

munting pahabol: MANIGONG BAGONG TAON !!!

long and winding road January 2, 2010 at 3:40 AM  

munting pahabol: MANIGONG BAGONG TAON !!!

Teacher Sparrow January 2, 2010 at 1:43 PM  

HAPPY NEW YEAR!

Toilet Thoughts January 9, 2010 at 2:40 AM  

Happy new year!

Sabi nga ni Tolle sa Power of Now:

We look into our present with the eyes of our past, and sometimes our vision is blurred.

Kaya ako, naka 3D glasses pag nakatingin sa ngayon at bukas. Makulay at masaya!

Ruthi January 10, 2010 at 8:17 PM  

@ Doroastig... Manigong Bagong Taon din sa Iyo

@Long and Winding Road... ganon din

@Teacher Sparrow... Happy New Year to you too.

Ruthi January 10, 2010 at 8:18 PM  

@Toilet Thoughts... Nice to see you around. Kamusta na? Bisibisihan ako kaya di masyadong nakakapasyal sa iyo.

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP