Ang Kanin!

Saturday, March 20, 2010

Sabado na naman... walang pasok ako. Hay salamat makakatulog ako ng mas mahaba. Labada ay natapos ko na... kahapon pa. Palantsahin ay kalimutan na muna. Sabado ngayon at pagkain naman ang aatupagin ko.

Sabado na naman at oras na para sa ABaKaDa Sabado. At ngayon ay nasa titik Ka.

Titik Ka... KANIN.

Pinoy na pinoy. Di kayang ipagpalit sa french fries o mashed potato man lang.
Laging hahanapin... san man makarating.

Dahil ang pinoy... pag nalulungkot at nahohomesick sa Lupang Hinirang
Pagkain ang nasa isip... kahit ulam ay alamang.




3 KULO ng Tiyan:

hoshi March 26, 2010 at 12:21 AM  

hmmm tama ka, the first thing that comes to our mind ay hanapin ang dating hilig na wala sa bago nating hapag-kainan.

i remember my ate, who is working in dubai. we expect that she wants something so special. sabi lang nya basta inihaw na bangus or kinilaw na dilis. hehehe

mabuhay!

Ruthi March 27, 2010 at 11:31 AM  

@Hoshi... korek ka jan. Pag pala malayo ka at di mo laging nakikita ang nakasanayan... nagiging special ito sa iyo. Salamat sa pagdalaw.

zoan April 3, 2010 at 1:03 AM  

http://jongskie721.wordpress.com/2010/04/03/abakada-ka/

ang aking entry :D

Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP