Sa mga susunod na araw...

Sunday, January 17, 2010

Isang Babala:

Sa mga susunod na mga araw ay sisimulan ko na ang pagdedesenyo ng bagong header para sa blag na ito.

Sa mga susunod na mga araw ay iisipin ko kung anong kulay ang gagamitin ko para sa bagong desenyo ng tema ng blag na ito.

Sa mga susunod na mga araw ay tiyak na magiging abala na naman ako sa pagtu-tweek ng draft layout para sa blag na ito.

At sa mga susunod na mga araw mag-bibisibisihan na naman ako.

Read more...

bagong babaguhin

Friday, January 1, 2010

Puede mo bang balikan ang nakaraan? As in... i-rewind ang lumipas?

Puede ka bang magbalik-tanaw na di ka masyadong magiging sentimental? As in... kalimutan mo ang iyong pagiging Drama Queen o King?

Puede bang maglakad ng paurong na di ka matatapilok? As in... para kang lasing.

Bagong Taon na naman. Bagong pag-asa. Bagong hinaharap. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong pakikibaka. Bagong-bago ang lahat.

Sana nga puedeng baguhin ang luma... ang mga nakasanayan... ang mga ala-ala [lalo na ung masaklap at masakit]... ang mga lumipas. Sana puedeng baguhin sila na naaayon sa iyong kagustuhan at panlasa. Pero sa kabilang banda... dapat bang baguhin ang mga ito? Di ba bahagi ang mga yon ng iyong karanasan?

Sa bagong taon na ito, kailangan pa bang gumawa ng listahan ng mga gusto mong baguhin sa iyong sarili? o masaya ka na kung ano meron ka?

Hindi masama ang pagbabago at hindi rin masama ang hindi ka magbago. Kung ano ang sa palagay mong magpapasaya sa iyo... yon ang atupagin mo at gumising sa bagong umaga na may bagong pag-asa.

Maligayang Bagong Taon sa ating lahat.

Read more...
Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP