Eh ano? Eh sa wala pala akong maisip na isulat dito. Nalulugaw na ang utak ko sa kakaisip ng gagawin sa
blog na ito eh wala pa ring pumamasok. Hanga ako sa ibang Pinoy
Bloggers gaya ni
Buraot kasi talagang di nawawalan ng ideya na ilalagay sa kanyang blog.
So, ano? Eh kelangang maglagay ako dito para kahit papano eh maramdaman ko naman ang aking pagiging Pinoy. Kahit papano naman Tagalog pa rin ang pinakamasarap na salitang gamitin sa pakikipagtsismisan. At yun pa nga ang isa... napag-iiwanan ako sa tsismisan.
Kaya ano? Eh nasiip ko na mag-imbento ako ng isang Meme-chuvaness para kahit papano eh may mailagay ako dito kahit isang beses sa isang Linggo. Ang tanong nga lang ay... Mapanindigan ko kaya? Yan, ang malaking hamon.
Papano? Eh di gaya ng mga ordinaryong
Meme na nagkalat sa mga iba't-ibang
blogs na sa totoo lang eh inimbeto ng mga
bloggers para lang magpadami ng
traffic sa kani-kanilang
blogs. Well, aaminin ko na isa rin yun sa aking maitim na balak. Syempre kada gawa nila ng
Meme sa kanilang
blog ay... ili-
link nila ang
url address ko. [kindat***]
Ano na? Eh eto nga... gagawa ako ng Meme na tatawagin kong... ABAKADA Sabado. Obyus ba na tuwing Sabado ko lang ito gagawin dahil yong ang araw ng pahinga? Yap... tama ang hula nyo... kada-Sabado ay maglalagay ng post sa blog wid matshing piktyur at achuhu na may konti paliwanag kung para saan ang larawan o kaya ay matulaing talata. At syempre... mag-sisimula sa titik "A" hanggang makarating sa titik "Ya". At ang titulo ng post ay dapat magsimula rin sa letra ng abakada. Sus... napakakomplikado ba?
Ah basta! Ganon na lang ang gagawin ko. Maari ding maki-usap ako sa ibang kaberks ko ng bloggers na makisali sa aking pakulo kung ayaw naman ay okay lang... mag-isa kong gagawin ito na buong giting... sa susunod na Sabado. hahahaha
Pahabol: At syempre... may logo rin ako nito para medyo parang opisyal ang
Meme ko. Pero hindi naman ganito kalaki ang ipapaskil kong logo tuwing mag
post ako ng sulatin. Syempre may 125x125 na laki akong ginawa para dyan. Oh di ba?

Oh sya... mememe na ako.
Read more...