Inang Ko Po

Saturday, April 24, 2010

INANG KO PO! Sabado pala ngayon at nakalimutan kong gumawa ng post para sa ABaKaDa Sabado.

At ngayon ay nasa Letrang I... Inang Ko Po!

Inang Ko Po... Sabado na naman
Sa dami ng gawain nakalimutan ang mahalaga
Sa dami ng labahin di na magkandaugaga
Sa dami ng tiklupin di na makatunganga
Hay... paano na nga kaya Inang ko... ganito na lang ba?



TITIK I... INANG KO PO!




Read more...

Halakhak

Saturday, April 17, 2010

Sabado na ulit at oras na para sa ABaKaDa Sabado.

Nakakatawa nga naman ang buhay. Eto ako at nag-umpisa ng kalokohan... at hirap na hirap panindigan. Kaya naman eto na naman naghahagilap ng maisusulat dahil Sabado na naman.

At para sa Titik HA... Halakhak ...



Halakhak... gamot sa pusong sadlak sa kalungkutan
Masaklap na kapalaran... tawanan mo lang
Dahil ang pagsubok sa buhay ay may katapusan.




TITIK HA... HALAKHAK!




Read more...

Ang Mabitaminang Gatas

Saturday, April 10, 2010

Sabado na ulit at oras na para sa ABaKaDa Sabado.

Ang nakaraang araw ay medyo maalwan at kaaya-aya maliban kahapon na maulan. Subalit sa kabila ng lahat ako'y naliligayan. Kahit papano ay alam kong malapit na ang tag-init.

At para sa Titik GA... GATAS... ang salitang naisip ko. Sapagkat sa idad kong ito, ang gatas ang mahalagang sangkap para sa aking nutrisyon.


Gatas... puno ng Bitamina na kelangan ng katawan
Calcium na mineral para sa butong marupok dala ng katandaan
Inumin ng madalas para hindi mapilay
At ng maging masaya ang nalalabing buhay.

TITIK GA... GATAS!




Read more...

Engkanto

Saturday, April 3, 2010

Sabado na nga... at huli na ang post na ito para sa ABaKaDa Sabado.

Puyat ako at wala sa wisyo. At walang maisip na salitang Pinoy na akma para sa titik E at bahagyang katamaran.

At dahil sa walang maisip... eto na lang ang aking ilalagay...

Para sa Titik E... ENGKANTO!



Pinoy na Pinoy. Di mawawala sa paniniwala.
Ang mala-engkantong paghanga sa mahihiwaga.
Totoo man o kathang isip... si La Aunor pa rin ang aking Idol.
WALANG HIMALA!





Read more...
Blog Widget by LinkWithin

Isang Paglilinaw

Dito... dito gusto kong maging malaya. Malayang isiwalat ang laman ng aking PUSO at ISIPAN sa pamamagitan ng mga makabuluhang sulatin. Dito ko malayang isusulat at ibabahagi ang aking mga sarili karanasan, inspirasyon, pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay at mga hiwaga nito. Dito... tagalog lang po. Maaring may mga ilang kataga o salitang maisusulat ako sa wikang ingles, subalit iyon ay dahil maaring walang kaukulang salitang tagalog na kahulugan para sa salitang ingles. Pero lalagyan ko ng " kudlit " (kung ito nga ang tawag sa simbolong iyon). Dito... maipapahayag ko ng may kapanatagan ng loob ang aking mga adhikain na walang pangamba na mali ang aking pinaggagawa. At dito... inaasahan kong marami akong makikilalang mga kaibigan at mga taong magbibigay sa akin ng inspirasyon sa pagsusulat.

Ang Iba't Ibang kong Karinderya

Home | About | Contact

Copyright © 2008 - sa puso at isip -

All Rights Reserved | Website Customization and Header design by RUTHINIAN

  © Blogger template Leaving by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP